A Letter to Philippine Embassy in Jubail Saui Arabia
This e-mail has landed in my email. We would like to request our philippine embassy in Jubail to investigate this case, for any help that you can assist in the future.
Date : March 14,2010
To : Philippine Embassy
Sa kinauukulan,
Ako po si Dante Villareal nakabase dito sa Jubail, Saudi Arabia upang ipaalam sa inyo ang sinapit ng aking Asawa at kaibigan sa kamay ng isang Saudi National.
Hwebes ng tanghali March 11, 2010 pagitan ng alas 11 : 15 at 11:25, ng di inaasahang pangyayari ang naganap sa aking asawa na si Rona Villareal, aming kaibigan na si kuya Ipee at ang kanilang anak na si John Kevin.
Kaming mag asawa ay nakatira sa Ground Floor plot (1-2) at may ka share kaming mag asawa sa plot na si Ate Mely at Kuya Pilo sa 2nd floor naman nakatira sila kuya Ipee, ate Lolet ang kanyang asawa at anak na si John Kevin.
Ang misis ko ang nangangalaga sa batang si John Kevin dahil sa ang kanilang magulang ay parehong nag tratrabaho mula alas 9:00 A.M. hanggang 11:30 ng tanghali. Then alas 2:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi (broken time).
Huwebes ng 9:00 umaga umakyat sa 2nd floor ang aking misis na si Rona upang bantayan ang alaga nyang si Kevin John. 11:25 am ng umaga dumating galing ng trabaho si kuya Ipee. At ng oras na iyon ay nag paalam na din ang misis ko na bumaba sa plot nmin at inilock na ni kuya Ipee ang pintuan. Ilang sandali pa ay may narinig na sumisigaw si kuya Ipee at ang unang nasa isip nya ay yung batang umiiyak lamang, ngunit sunod sunod na ang mga sigaw kayat napilitan lumabas at ng tingnan don, nakita niya ang misis ko na sapilitang ginugupo ng isang Saudi Bad para magawang gahasain at ilabas sa aming accommodation. Sumaklolo si kuya Ipee at doon nakatakbo ang misis ko pabalik ng plot nila kuya Ipee na kasunod lang din na pumasok si kuya Ipee, pero sa lakas ng Bad Saudi ay naitulak pa rin ang pintuan at sya’y na ipasok hanggang sa ma-ilock ang pintuan at kinuha ang susi doon pinag patuloy ang awayan nila kuya Ipee at Saudi Bad.
Sa oras na yon ay dumiretso sa kusina ang misis ko upang kumuha ng kutsilyo at sya ‘y pumasok ng kabilang kwarto at doon nag tago pero wala palang lock ang pintuan kayat hindi pa rin sya nakapagtago man lamang. Dahil sa lakas ng Saudi Bad nagupo si Kuya Ipee sa toilet at isinara ang pintuan at sinabi ng Saudi Bad na huwag syang lalabas at ng sandaling iyon nakita ni kuya Ipee si John Kevin na tinulak o inihagis din ng Saudi bad sa tapat ng pintuan ng C.R. doon dumiretso sa kwartong pinagtataguan ng misis ko ang Saudi Bad. Doon ay pinilit inagaw ang kutsilyong hawak ng misis ko at itoy binali. Hanggang sa itinulak ang misis ko at doon sinimulan nyang gawan ng masama ang asawa ko, sabi ng misis ko na si Rona siya ay sinakal at saka pinasakan ng tela sa bibig sa dahilan na sumisigaw ang asawa ko upang humingi ng saklolo.Biglang tumayo at lumabas ang Saudi Bad dahil nandyan na si kuya Ipee dahil gusto nyang ilagay sa ligtas na lugar ang bata dahil sa pagkakahagis ng Saudi ito’y umiyak at nauntog sa pasimano ng shoe rack. Doon sa kwarto nila kuya Ipee at Ate Lolet, nag pang abot na naman sila ng Saudi Bad kinuha ang mga cellphone at ini lock uli ng Saudi Bad ang pintuan upang di sya makalabas ng kwarto ng sa gayon ay maisagawa nya ang kagustuhan sa asawa ko. Pero nung time na nasa kwarto nila kuya Ipee ang Saudi Bad ay nagawang harangan ni Rona (misis ko) ng mabigat na bagay ang pintuan ng di makapasok ang Saudi bad.Nung time na makalabas ang saudi Bad sa Kwarto ni kuya Ipee, buti nalang at may isa pa syang cellphone sa kanyang bulsa ng Pants kung kayat nagawa nyang makatawag kay Ate Melly at Nats (Renato) At ng mga oras nayon ako naman ay nagluluto para sana saming Tanghalian. Dali daling tinawag ako ni Ate Melly at sinabihan na may nangyayari daw di maganda kala kuya Ipee at si Rona daw ay baka kung ano gawin ng Saudi Bad, Dali dali kaming umakyat kumatok at sumigaw ng malakas dahil nakalock ang main door, narinig namin may nagbubukas ng pintuan at yun nga ang saudi bad at gustong makatakas,Pilit nming hinarang ang Saudi Bad ni Nats at kuya Pilo pero dahil sa Malaki at malakas ang Saudi Bad ay nagawa nyang makatakas, hinabol namin sya pero di rin namin inabot buti nalang nagawa naming makuha ang Plate no. ng sasakyan nya ZAA 9258 Cheverolet, dahil sa nagmamadali ang Saudi Bad ay naiwan nya ang kanyang cellphone at Tsinelas,yon ay ginawa din naming ebidensya.Dali dali kaming tumawag ng Police ilang sandali ay dumating ang mga Police at doon ay nagimbistiga na ang mga Police sa kung ano ang mga ngyari, pinikturan nila at kinuha lahat ng ebidensya at binigay din namin ang Plate no. ng Car na ginamit nya kayat naging madali sa mga Police na matrace ang suspect sa krimen.Nahuli ng Pulis ang suspect at 10 pm night ay pinapunta lahat kami sa nakasaksi sa krimen upang i-identify ang suspect, doon ay nakilala namin na yun nga ang gumawa ng krimen. At sa ngayon ay nakakulong na ang suspect. Minsan may tumatawag kay kuya Ipee na relatives ng suspect at humihingi ng areglo, pero di kami pumayag sa mga kagustuhan nila.
Hanggang sa ngayon ang asawa ko ay takot na takot sa pangyayari, madami syang naramdaman na masakit sa kanyang katawan dahil sa ginawa ng Saudi bad sa kanya.Gayon din ang batang si John Kevin na nauntog sa pasimano ng shoe rack at ang bata ay nagkatrauma sa takot. Si kuya Ipee ay masakit din ang katawan dahil sa ginawa ng Saudi Bad sa kanya. Halos lahat kaming nakatira d2 sa Building ay natatakot na balikan kami ng kung sino man.
Kaya nga po gusto naming ipaalam sa Embahada ang aming sinapit.
Umaasa po kami na sana ay gabayan nyo kami at matulungan upang ang salarin ay manatili sa kulungan hanggang matapos ang itinakda o itatakdang sintensya sa kanya.
Maraming salamat po.
Sumasainyo,
Dante Malig Villareal – Passport no. XX5609144 Husband of Rona Villareal
Rona Villareal – Passport no. VV0864894 (Victim) Wife of Dante Villareal
Ireneo “Ipee” Panganiban – Passport no. (Victim)
John Kevin Panganiban – Passport no. (Victim) Son of Ipee and Lolit Panganiban
Lolit Sevilla Panganiban – Passport no. Wife of Ipee
Melly Lozada – Passport no. RR0085371 Friend
Teofilo Villacorta – Passport no. Friend
Renato “nats” Clemente – Passport no.
Incoming search terms:
- philippine consulate in jubail










Leave your response!