Free Ebook
Home » Panitikan

Alamat ng Kasoy (Ikalawang Bahagi)

22 February 2009 9 Comments

Alamat ng KasoyNaantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning na  pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang mga Buto. Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan at pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman.

Ang malakas na pagkokak ng mga Palaka at paghuni ng mga Kuliglig ay sumaliw sa awit ng mga Maya. Sa tuwa ng Elepante ay kumembot-kembot ito sa pag-indak. Napapasabay din sa pag-imbay ang mahagway na Kawayan kasama ang Pagong na nagbababa at nagtataas ng bahay-bahayan.

Hatinggabi na nang iwinasiwas na muli  ng butihing Ada ang kanyang makinang na pananglaw. Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang parol nila.

Nalungkot ang buto nang dumilim na ang paligid. nahahalinhan ng takot at lungkot nang kumulog at kumidlat. Napansin ng Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba. Mahigpit namang ikinabit ng mga halaman ang mga ugat sa ilalim ng lupa.

Tulad ng dapat asahan, bumuhos na ang malakas na ulan. Takot at kinakaliglig sa takot ang Buto.

“Ga…Ganito pala sa labas. Ma…Mamamatay ka sa sobrang ginaw. Mabibingi ka sa ingay ng kulog. Malamang na tamaan ka pa ng kidlat. A…Ayoko na sa labas.”

Hindi pinakinggan ni Ada ang abuhing Buto ng Kasoy. Bilang panghabambuhay na parusa ay pinamalagi ng Adang manatili sa labas ng Kasoy ang abuhing Buto nito.

Iyan ang alamat ng kasoy at ng di nito makuntentong Buto.

Ang Aral ng Kwento:

“Hindi sa sinasabi ko ang tungkol sa kailangan: sapagka’t aking natutuhan ang masiyahan sa anomang kalagayang aking kinaroroonan.” – Filipos 4:11

Unang Bahagi…

Related Posts with Thumbnails

Incoming search terms:

9 Comments »

  • Mga Araling Pambata » Blog Archive » Alamat ng Kasoy (Unang Bahagi) said:

    [...] Alamat ng Kasoy (Ikalawang Bahagi) [...]

  • Ellen Teh said:

    I enjoyed reading. its very informative. thank you for coming up with this kind of format.

    Thank you

    [Reply]

  • admin said:

    Salamat po..

    [Reply]

  • kristelle said:

    tankz…..you helped me on my homework…….tankzzzz….

    [Reply]

  • dcpanganiban said:

    @kristelle,
    Welcome

    [Reply]

  • angela said:

    I enjoy reading.its very informative,thank you for coming up with this kind of format.

    [Reply]

  • Precious Wintuz said:

    Can u plz give me the some examples of mythology in Luzon, Visayas, Mindanao?ung tagalog version lng po! and then mga buod po ng mga epiko sa luzon, visayas and mindanao po.
    pakisend na lng po sa e-mail ad q:[email protected]

    thank you po!!!!

    [Reply]

  • abegail said:

    hey wazzap why unti lng ha dapat dmi bitin tulou me hehehe!!!!!!!!!☻♥♦♣♠…..

    ♥UnIcHa iHa 23♥

    [Reply]

  • jessa said:

    wala bang summary ano ba naman yan………………kailangan ko ng summary ehhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

    [Reply]

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.