Battle against Illegal Gambling in Pampanga Started
Campaign against illegal gambling in Pampanga has already started as reported by GMA NEWS.tv
Sinimulan na ni priest-turned-Pampanga governor Ed Panlilio ang pagtugis sa ilegal na mga pasugalan sa kanyang nasasakupan ayon sa kanyang inpinangako noong panahon ng pangangampanya.
Ayon sa ulat ng Sun Star Pampanga nitong Sabado, inatasan na ni Panlilio ang mga pulis sa probinsiya na tugisin ang mga operator ng lahat na uri ng ilegal na pasugalan lalo na ang jueteng.
Ipinag-utos ni Panlilio noong Biyernes ang naturang pagkilos matapos durugin ng mga pulis sa loob ng kapitolyo ang mga nasabat na video-karera at fruit-game machines mula sa iba’t ibang lugar sa Pampanga.
Pinirmahan din ng gobernador ang tseke para sa P500,000 na pondo pangtustos sa mga pangangailangan ng mga pulis sa pagpatutupad ng kanyang utos laban sa sugal.Ayon kay Sr. Supt. Keith Singian, provincial police chief, lubos na sinusuportahan ng mga pulis ang kampanya sa illegal gambling.
Humingi umano ang lokal na mga hepe ng pulis ng pondo at logistical support para sa kanilang operasyon gaya ng pang-gasolina, dagdag na computer units at iba pang mga pangangagilangan.
“We are so grateful to Governor Panlilio’s immediate action. Rest assured that this financial support will be reciprocated with better performance from the Pampanga police,” ayon pa ka Singian. - GMANews.TV
I salute you Gov. Panlilio










Leave your response!