Home » Sibika

El filibusterismo

17 August 2008 15 Comments


Visit The Best of Taal Batangas and Learn how to Blog @ Make Money Online by Dexter Panganiban

Ang El filibusterismo ay isa sa mga librong isinulat ni Dr. Jose Rizal ayon sa tl.wikipedia.org

Ang El filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.

Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito noong Marso 29, 1891 Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22,1891

Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan<

Mga tauhan ng El filibusterismo

Ito ang mga tauhan sa El filibusterismo ni Jose Rizal.[6]

  • Simoun – ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano’y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
  • Isagani – ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.
  • Basilio – ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.
  • Kabesang Tales – ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
  • Tandang Selo – ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
  • Senyor Pasta – Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
  • Ben Zayb – ang mamamahayag sa pahayagan.
  • Placido Penitente – ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.
  • Padre Camorra – ang mukhang artilyerong pari.
  • Padre Fernandez – ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
  • Padre Florentino – ang amain ni Isagani
  • Don Custodio – ang kilala sa tawag na Buena Tinta
  • Padre Irene – ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
  • Juanito Pelaez – ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
  • Macaraig – ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
  • Sandoval – ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
  • Donya Victorina – ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
  • Paulita Gomez – kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
  • Quiroga – isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.
  • Juli – anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
  • Hermana Bali – naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
  • Hermana Penchang – ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.
  • Ginoong Leeds – ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.
  • Imuthis – ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
Related Posts with Thumbnails

Incoming search terms:

  • el filibusterismo
  • el fili
  • mga tauhan sa el filibusterismo
  • el filibusterismo tauhan
  • jose rizal el filibusterismo
  • history of el filibusterismo
  • elfilibusterismo
  • el filibusterismo pictures
  • tauhan ng el filibusterismo
  • basilio ng el filibusterismo

15 Comments »

  • florievic said:

    thanks !!!!

    nandito lahat ang requirements ko!!1

    [Reply]

  • daisy said:

    tnx sa lahat meron din aqng nkuha sa inyo…ahHhmm..tanong ko lng sino si kapitan heneral??ano ang katangian nya sa el fili???

    [Reply]

  • rotten said:

    kung ihahambing ang mga tauhan ng EL FILI at NOLI sa mga maimluwensya at makapangyarihang tao ngayon sa Plilipinas sinu-sino kaya sila??? hmmm….

    [Reply]

  • ryan said:

    ano ang magandang simula o quotes para sa kabanata XIX ang Mitsa??

    [Reply]

  • jv said:

    wahahha

    [Reply]

  • james said:

    pede po ba paki share ung Summary ng El Fili.
    ENGLISH po. tnx :D

    [Reply]

  • Joven said:

    haha galing ne2 !! anung klasing hirap dinanas ni jose rizal habang sinusulat ung el filibusterismo un lang kulang T_T!

    [Reply]

  • ro.me said:

    tnx pu s info..
    sna mkakuha nman aku ng history ng el fili
    ung paggawa…nyehehehe

    [Reply]

  • SeeMeRunFarFar said:

    thx….:D

    [Reply]

  • bernardine said:

    sana maging aral ito sa lahat ng mambabasa ..tnks alot po….

    [Reply]

  • JOYSEE said:

    GUYS MGANDANG PAG ARALAN ANG ELFILI..
    VERY INTERESTING..SANA ILAGAY DIN YUNG NMGA TAUHAN SA BAWAT KABANATA
    GODSPEED!

    [Reply]

  • ericquette said:

    kaninong line to?
    “alam mo na kahit na anong pagpapahalaga o kabutihan ay hindi maipagpapasa-pasa o nagbibilli na tulad ng isang dyamante.. ito ay na3tili sa tao..”
    “maniwala ka, at mtatandaan mo ako, at sa2bhin mong tama aq pg ang buhok mo y kcmputi na ng sakn”
    “qng nasan ang pnganib, doon tau pumaroon. spgkat doon naroon ang krangalan”
    “ang krunungan ay ipinagka2loob lmang sa sadyang kraptdpat na pgklooban”
    “kau ni padre irene ay magbabayad ng mga gwa ng kabutihan, panalangin, pagbibigay, hindi b?”

    i need it 2day.. tnx sa mgre2sponse.. kht isa lng jan
    :)

    [Reply]

    ELoisa Reply:

    @ericquette, line po yan ni Isagani .. haha

    [Reply]

  • hannah said:

    pwede po magtanong.? ano po ba ung mga dinanas nya noong sinulat niya tong nobelang ito?

    [Reply]

  • veronica said:

    ano po ba katangian ni JULI
    TNX PO…………..

    [Reply]

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.