Free Ebook
Home » Panitikan

Halimbawa ng Talumpati

30 September 2008 12 Comments

Maikling Talumpati ni Gng. Cristina Mendez sa National Conference to Stop Hazing

Maikling Talumpati ni Gng. Cristina Garcia Mendez, ina ni Cris Mendez, sa National Conference to Stop Hazing noong Disyembre 11, 2007 *

Magandang umaga po sa inyong lahat.

Ilang linggo lang po ang nakakaraan ay nagtagumpay kaming buksan ang mga e-mails na natanggap ng aking anak na si Cris Mendez bago siya pumanaw noong August 27, 2007.

Isa po sa mga huling e-mails na natanggap niya ay may petsang August 22, 2007 na ang title ay “Sigma Rho Tenets.” Galing po ito sa isang nagngangalang Jj Ocana na sinabi niya sa anak ko na memoryahin daw ng anak ko ang mga tenets ng Sigma Rho at idinugtong niya na “see you on saturday. we are looking forward to having you as a brod.”

Doon po sa ipinadala ni Jj Ocana na Sigma Rho Tenets ay kasama yung mga sinasabi niyang “Codes of Action of a Sigma Rhoan.” Ang pinaka-number one po sa mga Codes of Action na ito ay ganito ang sinasabi: “To stand by the side of any brother Sigma Rhoan right or wrong.”

Kahit nakagawa ng mali, kakampihan pa rin nila ang brod nila. Kahit gumawa ng krimen, o pumatay ng tao, pagtatakpan pa rin nila ang brod nila. Walang kwenta sa kanila ang Diyos. Ang batas ay bale-wala rin. Kahit bulong ng konsensya nila ay di pinapansin.

Mag-aapat na buwan na po mula nang saktan at kitilin nila ang buhay ng kaawa-awa kong anak. Ang napakabait kong anak. Kami po ay isang mahirap na pamilya lamang at ako po ay umabot lamang sa high school. Wala po akong gaanong alam sa mga fraternities at ang kanilang mga ritwal. Ang alam ko lamang po ay ang itinuro sa akin ng aking mga magulang na itinuro ko rin kay Cris at sa bunso niyang kapatid na si Renz. Ito ay ang magkaroon ng takot sa Diyos. Ang paggawa ng tama. Ang pagmamahal sa kapwa. Ang pagharap sa responsibilidad at paggalang sa batas. At ang paghingi ng tawad sa kapwa pag nakagawa ng mali.

Yung ito lamang po sana ang tenets ng mga fraternities hindi po siguro nangyari ang nangyari sa aking anak.

Salamat po.

* Si Cris Mendez, nasa ikaapat na taon sa kursong public administration sa UP, ay patay na nang dalhin sa Veterans Memorial Medical Center noong madaling araw ng Agosto 27, 2007. Sumailalim siya sa hazing ng Sigma Rho fraternity bago siya bawian ng buhay.Ang National Conference to Stop Hazing ay itinaguyod ng Solidarity for Anti-Hazing Via Education at UP Student-Led Anti-Hazing Watch. Ang kopya ng talumpating ito ay mula sa blog ni Marian Panganiban, ang kinatawan ng School of Economics sa University Student Council.

Related Posts with Thumbnails

Incoming search terms:

12 Comments »

  • har-har said:

    owh??
    patay na xa????

    [Reply]

  • Juan said:

    talaga lang ha??

    haha.

    wala koy nasabtan

    [Reply]

  • Emz said:

    wala kay nasabtan? BUGO siguro ka or BOBO!!! manhid ka ba? o wala ka lang talaga paki-alam…? Maki sympathize ka naman…kapal mo!!!

    [Reply]

  • Vanessa Balbi said:

    lahat ng tao ay may pagkakamali…. tama lamang na may takot sa Diyos… at lahat ng mga nakagawa ng pagkakamali ay isa Diyos nlang ang paghatol at ganun narin sa mga taong di nabigyan ng hustisya.. at kelangan rin nating magpatawad sa mga taong nagkamali gaya ng pagpapatawad ng Diyos sa atin..
    un lang po at sana matauhan na po tayong lahat
    maraming salamat po and GODBLESS everyone…!!!

    [Reply]

  • Chhe said:

    Magaaway pa eh. kainis. yabang

    [Reply]

  • Emz said:

    wala wala ala wala

    [Reply]

  • lady tin said:

    haist ganun?! uyyyyy ung anu jan tama ng away

    [Reply]

  • ellanor said:

    ang yabang mo ha. gnyan talaga ang mga pilipino. hindi mn nila alam na mas bobo tayo kasa saiba. DUHH.

    [Reply]

  • saphire said:

    …ano vah qayo mag-aaway nlang ba qayo dyan???

    [Reply]

  • saphire said:

    use your “como sentido”!!!!!!!!!

    [Reply]

  • joan said:

    d pud mag.ing.ana oy….

    [Reply]

  • jehara mae said:

    pwd po bang humingi ng halimbawa ng talumpati??????????????magagawa nyo po b ng 2 minoto???????????kailangan k po kasi talaga

    [Reply]

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.