Halimbawa ng Tula : Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinub’ang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala…
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang kumupkop;
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot…
Sa kaniya’y utang ang unang pagtanggap
Ng simoy ng hanging nagbigay-lunas
Sa inis na puso na sisinghap-singhap
Sa balong malalim ng siphayo’t hirap…
Ang nangakarang panahon ng aliw
Ang inaasahang araw na darating
Ng pagkatimawa ng mga alipin,
Liban pa sa bayan saan tatanghalin?…
Kung ang bayang ito’y nasasapanganib
At siya ay dapat ipagtangkilik
Ang anak, asawa, magulang, kapatid
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit…
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog?
Nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
Baya’y inaapi, bakit di kumilos
At natitilihang ito’y mapanood?…
Kayong mga dukhang walang tanging [palad]
Kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap
Ampunin ang Bayan kung nasa ay lunas
Pagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig,
Hangang sa may dugo’y ubusing itigis,
Kung sa pagtatanggol buhay ay [mapatid]
Ito’y kapalaran at tunay na langit.
Incoming search terms:
- halimbawa ng tula
- mga halimbawa ng tula
- pag-ibig sa tinubuang lupa ni andres bonifacio
- andres bonifacio tula
- pag ibig sa tinubuang lupa tula ni andres bonifacio
- pag ibig sa tinubuang lupa ni andres bonifacio
- halimbawa ng tulang pagibig
- halimbawa ng mga tula
- halimbawa ng tula ni andres bonifacio
- pag-ibig sa tinubuang lupa ni andres bonifacio tula









ganda ng tula mo……….
[Reply]
oo nga i ANG GANDA NGA
[Reply]
..like it!!!! (thumbs up!)
[Reply]
HaNnAh Reply:
August 19th, 2011 at 4:06 pm
HaNnAh… InSpIrInG…
[Reply]
Leave your response!
Sponsor
More in 'Panitikan'
Recent Comments
Help Us Maintain This Site
Ads
Tags
Archives
Partner Site
Free PSP Games Download
Know more about PSP
Free PSP Themes
Know more about PSP Themes
Most Commented
Recent Posts