MGA BUGTONG (Ikalawang Bahagi)
23 August 2008
No Comment
1. Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis.
Sagot: ALIMANGO
2. Oo nga’t alimango
Nasa loob ang ulo.
Sagot: PAGONG
3. Oo nga’t pagong
Tubig ay iniinom.
Sagot: NIYOG
4. Oo nga’t niyog
Nasa loob ang bunot.
Sagot: MANGGA
5. Oo nga’t mangga
Kay daming mga mata.
Sagot: PINYA
6. Puno’y layu-layo
Dulo’y tagpu-tagpo.
Sagot: BAHAY
7. May binti walang hita,
May tuktok walang mukha.
Sagot: KABUTI
8. Malalim kung bawasan,
Mababaw kung dagdagan.
Sagot: TAPAYANG MAY TUBIG
9. Nakaluluto’y walang init,
Umaaso kahi’t malamig.
Sagot: YELO
10. Hindi tao, hindi ibon
Bumabalik kung itapon.
Sagot: YOYO
Iba Pang Bugtong
- MGA BUGTONG (Ikalimang Bahagi)
- MGA BUGTONG (Ikaapat na Bahagi)
- MGA BUGTONG (Ikatlong Bahagi)
- MGA BUGTONG (Ikalawang Bahagi)
- MGA BUGTONG (Unang Bahagi)
- Mga Bugtong
Incoming search terms:
- isda ko sa mariveles nasa loob ang kaliskis
- isda ko sa marabilis nasa loob ang kaliskis
- isda sa mariveles nasa loob and kaliskis
- oo ngat alimango nasa loob ay ulo










Leave your response!