Free Ebook
Home » Filipino

MGA BUGTONG (Ikatlong Bahagi)

23 August 2008 2 Comments

1. Eto na si bayaw

Dala-dala’y ilaw.

Sagot: ALITAPTAP

2. Eto na si Kaka

May sunong na dampa.

Sagot: PAGONG

3. Duwag ako sa isa

Matapang ako sa dalawa.

Sagot: TULAY NA KAWAYAN

4. Tabla magkabila

Alulod ang gitna.

Sagot: DAHON NG SAGING

5. Dalawang bolang maitim

Malayo ang nararating.

Sagot: MATA

6. Nagtago si Pedro

Labas ang ulo.

Sagot: PAKO

7. Bahay ni Goring-goring

Butas-butas ang dingding.

Sagot: KULAMBO

8. Ang anak ay nakaupo na

Ang ina’y gumagapang pa.

Sagot: KALABASA

9. Alin sa mga ibon

Ang di makadapo sa kahoy?

Sagot: PUGO

10. Gintong binalot sa pilak

Pilak na binalot sa balat.

Sagot: ITLOG

Iba Pang Bugtong

Related Posts with Thumbnails

Incoming search terms:

2 Comments »

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.