Free Ebook
Home » Sibika

Mga Rehiyon sa Pilipinas

30 November 2008 94 Comments


Philippines is divided into different Regions , This is Luzon Visayas and Mindanao, This 3 regions is being divided into different regions , So below information is what I gathered in the net, regarding philippine Regions. It is writtent in tagalog so that it could be very helpful in your assignments :)

Ang Pilipinas na nababahagi sa ibat ibang kapuluan, Ito po ay Luzon, Visayas and Mindanao. At ang 3 kapuluang ito ay nababahagi sa iba’t ibang Rehiyon sa Pilipinas. Ang mga natala sa ibaba ay mga information galing din naman sa Internet ngunit ininaayos upang mas madaling mapagkunan ng mga mag aaral ng Takdang Aralin

Luzon

Ilocos (Rehiyon I)

Ang Rehiyong Ilocos sa Pilipinas, tinatawag ding Rehiyon I, ay matatagpuan sa hilagang-kanlurang bahagi ng Luzon. Ang Rehiyong Administratibo ng Cordillera at Lambak ng Cagayan ang hangganan nito sa silangan, Gitnang Luzon sa timog, at Dagat Timog Tsina sa kanluran.

Lambak ng Cagayan (Rehiyon II)

Ang Lambak ng Cagayan ay isang rehiyon sa Pilipinas at tinatawag ding Rehiyon II. Binubuo ito ng limang lalawigan: Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino. Ang kabiserang panrehiyon ay ang Tuguegarao.

Ang rehiyon ay matatagpuan sa isang malaking lambak sa hilagang-silangang Luzon, sa pagitan ng kabundukang Cordilleras at ng Sierra Madre. Binabagtas ng Ilog Cagayan, ang pinakamahabang ilog sa bansa, ang gitna ng rehiyon at dumadaloy patungong Kipot ng Luzon sa hilaga.

Gitnang Luzon (Rehiyon III)

Ang rehiyon ng Gitnang Luzon ay binubuo ng pinakamalaking kapatagan sa Pilipinas at ang gumagawa ng halos lahat ng suplay ng bigas sa bansa. Kaya ito ay binansagang Rice Bowl of the Philippines. Ang mga lalawigan bumubuo dito ay ang Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at ang Zambales.

CALABARZON (Rehiyon IV-A)

Ang CALABARZON ay isang rehiyon sa Pilipinas na binubuo ng mga sumusunod na mga lalawigan: Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Ang mga lalawigan na ito ay mga lalawigan ng Rehiyon IV-A na nasa pangunahing isla ng Luzon. Ito ang acronym ng mga nabanggit na mga lalawigan.

Ang rehiyon na ito ay nasa Timog-kanlurang Luzon,timog at kanlurang bahagi ng Metro Manila, at pumapangalawa sa pinaka-mataong rehiyon.

Ang CALABARZON at MIMAROPA ay dating magkasama bilang Timog Katagalugan hanggang ito ay paghiwalayin sa bisa ng Executive Order No.103, noong ika-17 ng Mayo 2002.

Sa bisa ng Executive Order No. 246, na nilagdaan noong ika-28 ng Oktubre 2003, ang Lungsod ng Calamba ay itinalagang sentrong pang-rehiyon ng CALABARZON.

MIMAROPA (Rehiyon IV-B)

Ang MIMAROPA ay isang rehiyon sa Pilipinas na binubuo ng mga sumusunod na mga lalawigan: Mindoro (Occidental Mindoro at Oriental Mindoro), Marinduque, Romblon at Palawan. Ang mga lalawigang ito ay mga lalawigan ng Rehiyon IV-B na mga isla sa karagatan ng Timog Tsina. Isa lamang ang lungsod sa buong rehiyon na ito: ang Lungsod ng Calapan na matatagpuan sa Oriental Mindoro.

Ang Palawan ay naging bahagi ng Rehiyon VI nong Hunyo 5, 2005. Ito ay inilipat sa Kanlurang Visayas mula sa dating “MIMAROPA”, sa bisa ng Executive Order No. 429, na nilagdaan noong Mayo 23, 2005.

Kasunod nito ay inilabas naman ang Administrative Order No. 129 noong Agosto 19, 2005, upang bigyang pansin ang anumang epektong idudulot ng naunang kautusan at bilang pag-alalay na rin sa maayos na paraan ng paglilipat ng Palawan mula sa Kanlurang Visayas sa ilalim ng MIMAROPA.

Ang MIMAROPA o Rehiyon IV-B ay isang rehiyon sa bahagi ng Luzon, na may kabuung sukat na 27,455.9 kilometro kwadrado. Ang rehiyong ito ay binubuo ng mga lalawigan ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.

Occidental Mindoro
Kapital: Mamburao Populasyon(2007): 464,000 Dialekto: Tagalog, Ingles, Kastila

Oriental Mindoro
Kapital: Calapan City Populasyon(2007): 819,400 Dialekto: Tagalog, Ingles, Kastila

Marinduque
Kapital: Boac Populasyon(2007): 255,500 Dialekto: Tagalog, Ingles, Kastila

Romblon
Kapital: Romblon Populasyon(2007): 313,400 Dialekto: Hiligaynon, Tagalog, Ingles

Palawan
Kapital: Puerto Princesa City Populasyon(2007): 940,200 Dialekto: Cuyunin, Tagalog, Cebuano

Bicol (Rehiyon V)

Ang Bicol ay isang rehiyon ng Pilipinas na matatagpuan sa timog Luzon. Tinatatawag din itong Rehiyon V. Bikolano at Bikolana ang tawag sa mga tao rito.

Ang mga lalawigan na bumubuo sa rehiyon ay ang mga sumusunod:

  • Albay
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Catanduanes
  • Masbate
  • Sorsogon

Ang Rehiyon V ay isang tangway. Makikita sa mapa na halos napapalibutan ito ng tubig. Dahil dito, ang mga pamayanang malapit sa tubig ay umaasa nang malaki sa pangingisda.

Cordillera Administrative Region (CAR) -
Ang Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera (opisyal: Cordillera Administrative Region, CAR) ay isang rehiyon ng Pilipinas na matatagpuan sa hilagang Luzon na binubuo ng mga lalawigan ng Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mountain Province. Inookupa ng rehiyong ito ang mga lugar sa loob ng Bulubunduking Cordillera, na ang pinakamahabang bulubundukin sa bansa. Ang rehiyong ito ay tirahan ng mga tribong tinatawag na Igorot.

Ito lamang ang rehiyon ng Pilipinas na hindi napapaligiran ng tubig.

Pambansang Punong Rehiyon (National Capital Region- NCR)

Ang Kalakhang Maynila ay ang kalungsuran ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Binubuo ito ng 16 na lungsod at ang bayan ng Pateros. Ang opisyal na pangalan nito ay ang National Capital Region o Pambansang Punong Rehiyon. Sentro ng pulitika, ekonomiya, kalinangan, industriya, at edukasyon ang Kalakhang Maynila at dito nakatira ang 11,553,427 na mga tao (1-Aug-2007 census).

Visayas

Kanlurang Visayas (Rehiyon VI)

-
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kanlurang Visayas)

Ang Kanlurang Visayas (Western Visayas), isa sa mga rehiyon ng Pilipinas, ay tinatawag na Rehiyon VI. Binubuo ito ng anim na lalawigan: Aklan, Antique, Negros Occidental, Capiz, Guimaras, at Iloilo.

Ang Palawan ay naging parte ng itong rehiyon sa Hunyo 5, 2005.

Ang sumusunod ay ang mga lalawigan sa Kanlurang Bisayas kapares ang kanilang Kabisera: Aklan; Kalibo, Antique; San Jose De Buenavista, Capiz; Roxas City, Guimaras; Jordan, Iloilo; Iloilo City, Negros Occidental; Bacolod, Palawan; Puerto Prinsesa.

Gitnang Visayas (Rehiyon VII)

Ang Gitnang Visayas (Central Visayas) ay isang rehiyon ng Pilipinas. Ang mga probinsya sa rehiyong ito ay Bohol, Cebu, Negros Oriental, at Siquijor. Tinatawag ding Rehiyon VII, ito ay ang tinaguriang “Prinsesa ng Kabisayaan”. Napapaloob dito ang Cebu, ang pinakamatandang lungsod sa buong Pilipinas at ang tinaguriang “Queen City of the South” (Reynang Lungsod ng Timog).

Sa taong 2005, ang pangulo ng Pilipinas, Gloria Macapagal-Arroyo, ay nagpapagawa ng “Palasyo ng Malakanyang sa Timog”. Ginawa niya ito bilang pasasalamat sa mga Cebuano dahil dito niya nakuha ang pinakamalakling boto noong Halalan 2004.

Silangang Visayas (Rehiyon VIII)

- Ang rehiyon ng Silangang Visayas ay isa sa mga rehiyon ng Pilipinas, ay tinatawag na Rehiyon VIII. Binubuo ito ng anim na lalawigan: Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Samar, at Southern Leyte. Ang mga lalawigang ito ay sumasaklaw sa pinakasilangang mga pulo ng Visayas: Leyte, Samar, at Biliran. Ang kabiserang panrehiyon ay ang Lungsod ng Tacloban.

Mindanao

Kanlurang Mindanao (Rehiyon IX)

Ang Tangway ng Zamboanga (Inggles: Zamboanga Peninsula Chavacano Peninsula de Zamboanga) ay isang tangway at rehiyong pampangasiwaan sa tangway na iyon sa Pilipinas.

Hilagang Mindanao (Rehiyon X)

Ang Hilagang Mindanao ay mas kilala sa katawagang Rehiyong Sampu o Rehiyong X. Binubuo ito ng Bukidnon, Camiguin, Lanao del Norte, Misamis Occidental, at Misamis Oriental. Ang probinsya ng Camiguin ay isa ring isla na itaas ng “coast” ng Hilaga. Ang gitnang administratibo ng rehiyon ay ang Lungsod ng Cagayan de Oro.

Rehiyon ng Davao (Rehiyon XI)

Ang Rehiyon ng Davao ay binubuo ng mga lalawigan ng Davao del Sur, Davao del Norte, Davao Oriental at Compostela Valley sa Pilipinas.Tulad ng Rehiyon IX at X, kabilang ang Rehiyon XI o Rehiyon ng Davao sa mga isinaayos ns rehiyon ayon sa Executiv Order No.36 ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

SOCCSKSARGEN (Rehiyon XII)

SOCCSKSARGEN ay isang rehiyon ng Pilipinas, na matatagpuan sa gitnang Mindanao, at opisyal na Rehiyon XII. Akronimo ang pangalan na nangangahulugang para sa apat na lalawigan ng rehiyon at isa sa mga lungsod nito: South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City. Ang Lungsod ng Koronadal ang sentrong pang-rehiyon na matatagpuan sa Timog Cotabato. Kasama mismo ang Lungsod Cotabato, na nasa Maguindanao, sa rehiyong ito ngunit bahagi ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang Maguindanao. Binubuo ang rehiyon ng mga katutubong tribong Tiboli (T’boli o Tagabili) at Bilaan sa Timog Cotabato at Sarangani, Manobo sa Hilagang Cotabato, at ang mga mandarayuhang Iluko, Ilonggo at Sebuwano.

Caraga (Rehiyon XIII)

Ang Caraga ay isang rehiyon ng Pilipinas na matatagpuan sa hilagang silangang bahagi ng pulo ng Mindanao. Nabuo ito sa bisa ng Republic Act No. 7901 noong Pebrero 23, 1995 na inaprubahan ni Pangulong Fidel V. Ramos. Ang Rehiyon ay binubuo ng apat (4) na lalawigan: Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte at Surigao del Sur; tatlong (3) lungsod: Butuan, Surigao at Bislig; pitumpong (70) bayan at 1,346 na barangay. Ang Lungsod ng Butuan ang Sentrong Pang-Rehiyon.

Nagsasariling Rehiyon ng Muslim sa Mindanao Administrative Region Of Muslim Mindanao (ARMM) -

(Ingles: Autonomous Region in Muslim Mindanao, ARMM) ay isang rehiyon ng Pilipinas ay binubuo ng anim lalawigan at isang lungsod: ang Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi, Shariff Kabunsuan at ang Lungsod Marawi. Nilipat ng Executive Order No. 36 ang Basilan mula Rehiyong IX at Lungsod ng Marawi mula sa Rehiyong XII. Isang sentrong panrehiyon ang Lungsod Cotabato at luklukan ng pamahalaan sa rehiyon ng ARMM, ngunit bahagi ng Rehiyong XII ang lungsod.

Unang nilikha ang rehiyon noong Agosto 1, 1980 sa bisa ng Batas Republika Blg. 6734, na kilala din bilang Organic Act. Opisyal na itinalaga ang ARMM noong Nobyembre 6, 1990 sa Lungsod Cotabato.

source { Wikipedia Tagalog }

Related Posts with Thumbnails

Incoming search terms:

94 Comments »

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.