Home » Election News, Plataporma, Senatoriables

Plataporma ni Chiz

21 February 2007 No Comment

Thanks for your visit, We would also like to invite you in Tech At Hand

Legislative Program of Chiz.

Mapayapa at pinagpalang pagbati sa inyo!

Sa aking pagtakbo bilang senador, layunin ko po na maiparating ang boses ninyo sa Senado upang sama-sama nating ipaglaban ang tama at labanan ang mali.

Pangunahing pagtutuunan ko ng pansin ay ang maibalik ang dignidad ng bawat Pilipino nang sa gayon ay taas-noo nating harapin ang mga hamon ng tadhana sa pamamagitan ng pagsulong sa mga sumusunod:

(1) Disenteng tirahan sa bawat Pilipino ayon sa programa ng Gawad Kalinga (GK), di lamang para sa mahihirap kundi pati na rin sa mga ordinaryong empleyado tulad ng mga guro, pulis, sundalo at iba pang mga kawani;

(2) Kabuhayan at sapat na pagkakakitaan batay sa sariling kakayahan ng bawat pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng micro-finance, skills training, at pagbigay ng prayoridad sa sarili nating mamamayan at kababaihang entrepreneur;

(3) Pagkakataon ng kabataang Pilipino na makapag-aral at makapagtapos mula mababang paaralan hanggang sa kolehiyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na pondo sa mga sate colleges at universities, kaagapay ang pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng pribadong sektor sa larangan ng edukasyon;

(4) Pagkilala sa karapatang makapagpagamot at gumaling sa anumang karamdaman lalung-lalo na ang mga mahihirap at mga may edad;

(5) Pagtatanggol sa karapatang pantao at pagsupil sa anumang uri ng diskriminasyon;

(6) Pangangalaga ng ating kalikasan sa pamamagitan ng wastong paggamit nito upang matiyak na ang ating likas na yaman ay mapapakinabangan ng susunod pang mga henerasyon; at

(7) Isulong at ipaglaban kung anong naaayon sa batas upang makamtan ang katotohanan, katarungan, kalayaan, kapayapaan at pagkakaintindihan nating lahat.

Ito ang aking mga adhikain at pangarap para sa bawat Pilipino. Hiling at dalangin ko na sama-sama nating pagtulungan na makamtan ang lahat ng ito.

Ang inyong boses sa Senado,

CHIZ ESCUDERO

I have alredy posted Legislative Program of Chiz and Trillanes if you have any information from other please let me know and send to dexfamily [at] gmail [dot] com

Site Search Tags: ,

Related Posts with Thumbnails

Incoming search terms:

  • plataporma
  • karapatan ng mamamayang pilipino

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.