Home » Archive

Articles tagged with: alamat ng mga prutas

Panitikan »

[2 Mar 2009 | 14 Comments | ]

Ang Alamat ng Bayabas ay isa sa mga sikat na halimbawa ng Alamat ng mga Prutas.
Noong unang panahon, may isang sultan na lubos na kinatatakutan ng lahat. Sobra sa lupit ang nabanggit na pinuno na tinatawag sa pangalang Sultan Barabas. Marami na siyang pinapatay. Hindi na rin mabilang ang pinakulong niya sa piitan. Laging nangangamba ang mga tao na sa maliit na pagkukulang ay napakalaking parusa ang ipataw sa kanila. Matanda man o bata ay takot na takot kapag nababanggit ang pangalang Sultan Barabas. Para sa nakararami ang Barabas …

Panitikan »

[2 Mar 2009 | One Comment | ]

Ang Alamat ng Kamatsile ay isa sa mga  halimbawa ng Alamat ng mga Prutas.
Sa isang gubat na madawag, may tumubong puno ng kamatsile na may malaganap na mga sanga. Sa tabi nito’y may nagsitubong iba’t ibang mga punong magaganda’t mababangong bulaklak na nakakahalina sa mga naglalakbay. Ang kamatsile lamang ang tanging walang bulaklak na maipagmamalaki, ngunit maganda naman ang pagkakahubog ng kanyang malalago at malalabay na mga sanga. Subalit di man ito makatawag pansin sa mga manlalakbay at di man siya tapunan ng bahagyang tanaw at ito ang ipinagmimighating …

Panitikan »

[22 Feb 2009 | 9 Comments | ]

Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning na  pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang mga Buto. Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan at pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman.
Ang malakas na pagkokak ng mga Palaka at paghuni ng mga Kuliglig ay sumaliw sa awit ng mga Maya. Sa tuwa ng Elepante ay kumembot-kembot ito sa pag-indak. Napapasabay din sa pag-imbay ang mahagway na Kawayan kasama ang Pagong na nagbababa at nagtataas ng bahay-bahayan.
Hatinggabi na nang iwinasiwas …

Panitikan »

[22 Feb 2009 | One Comment | ]

Ang alamat ng Kasoy ay isa sa mga halimbawa ng Alamat ng mga Prutas.
Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkot na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim na sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Ada ng kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng mga hayop at halaman.
Ang buong kagubatan ay nagliliwanag sa tama ng mga ilaw ng parol ng mga Alitaptap. Ang huni ng mga Kuliglig at kokak ng …

Related Posts with Thumbnails