Home » Archive

Articles tagged with: ALAMAT

Panitikan »

[22 Jun 2009 | 15 Comments | ]

Ang Alamat ng Aso  ( The Legend Of The Dog )
Noong panahon na bata pa ang mundo, ay may isang maa-anak na tahimik at masayang namumuhay sa loob ng kakahuyan. Ang ama; si Roque ay mabait at mapagkalinga sa kanyang pamilya. Nagtatanim siya ng mga gulay at nanghuhuli ng mga hayop sa gubat upang kanilang maging pagkain.
Incoming search terms:alamat ng asoalamat ng aso buodhalimbawa ng alamat ng hayopang alamat ng asohalimbawa ng legendkesa at morito alamat ng asoang alamat ng ubasalamat ng hayopmga alamat ng asomga …

Panitikan »

[2 Mar 2009 | 14 Comments | ]

Ang Alamat ng Bayabas ay isa sa mga sikat na halimbawa ng Alamat ng mga Prutas.
Noong unang panahon, may isang sultan na lubos na kinatatakutan ng lahat. Sobra sa lupit ang nabanggit na pinuno na tinatawag sa pangalang Sultan Barabas. Marami na siyang pinapatay. Hindi na rin mabilang ang pinakulong niya sa piitan. Laging nangangamba ang mga tao na sa maliit na pagkukulang ay napakalaking parusa ang ipataw sa kanila. Matanda man o bata ay takot na takot kapag nababanggit ang pangalang Sultan Barabas. Para sa nakararami ang Barabas …

Panitikan »

[22 Feb 2009 | 9 Comments | ]

Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning na  pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang mga Buto. Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan at pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman.
Ang malakas na pagkokak ng mga Palaka at paghuni ng mga Kuliglig ay sumaliw sa awit ng mga Maya. Sa tuwa ng Elepante ay kumembot-kembot ito sa pag-indak. Napapasabay din sa pag-imbay ang mahagway na Kawayan kasama ang Pagong na nagbababa at nagtataas ng bahay-bahayan.
Hatinggabi na nang iwinasiwas …

Panitikan »

[22 Feb 2009 | One Comment | ]

Ang alamat ng Kasoy ay isa sa mga halimbawa ng Alamat ng mga Prutas.
Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkot na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim na sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Ada ng kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng mga hayop at halaman.
Ang buong kagubatan ay nagliliwanag sa tama ng mga ilaw ng parol ng mga Alitaptap. Ang huni ng mga Kuliglig at kokak ng …

Panitikan »

[4 Jan 2009 | 17 Comments | ]

Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman, walang gaanong pumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw ang hinahabol ng mga tao. Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat gutom na gutom na rin ang magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng mga taong patay at may bakas pa ng bula sa bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones. Walang nangahas kumain nito.
Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan. Pakanta-kanta ang babae kaya marami …

Panitikan »

[4 Jan 2009 | 31 Comments | ]

Noong unang panahon, isang magandang babae ang nakakilala ng isang kakaibang lalaki. Ito ay isang engkanto. Masarap mangusap ang lalaki at maraming kuwento. Nabihag ang babae sa engkanto. Ipinagtapat naman ng engkanto na buhat siya sa lupain ng mga pangarap, at hindi sila maaaring magkasama. Gayunman, umibig ang babae sa lalaki.
Isang araw, nagpaalam ang binata. Sinabi niyang iyon na ang huling pagkikita nila. Nang magpaalam ang engkanto, hindi nakatiis ang babae. Ayaw niyang paalisin ang lalaki. Maghigpit niyang hinawakan ang kamay ng lalaki para huwag itong makaalis. Pero …

Panitikan »

[4 Jan 2009 | 19 Comments | ]

  Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait at matulungin si Ben. Nagmana siya sa kanyang mga magulang na mababait din naman. Isang araw, isang matandang pulubi ang kinaawaan ni Ben. Inuwi niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto at pinakain. Isang araw naman, samantalang nangangahoy, isang matandang gutom na gutom ang nasalubong niya. Pinakain din niya ito at binigyan ng damit.
Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben. Sa kabila ng pagsisikap ng mag-asawa na pagalingin ang anak, lumubha ito at namatay pagkatapos. Ganoon na lamang …

Related Posts with Thumbnails