Home » Archive

Articles tagged with: Bugtong

Panitikan »

[8 Mar 2009 | One Comment | ]

I just like to tell you guys that we have written a series of blog post about the Philippine Riddles in this blog, You can access it thru the side bar tags or thru the following links ( Just press the links and you will be move to the Philippine Riddles post on this blog. The Tagalog meaning of Philippine Riddles is “ Bugtong “

MGA BUGTONG (Ikalimang Bahagi)
MGA BUGTONG (Ikaapat na Bahagi)
MGA BUGTONG (Ikatlong Bahagi)
MGA BUGTONG (Ikalawang Bahagi)
MGA BUGTONG (Unang Bahagi)
Mga Bugtong

Enjoy and we would like to hear you comments and …

Filipino »

[23 Aug 2008 | 62 Comments | ]

1. Magkakabit na kutsilyo
Gamit ng barbero.
Sagot: GUNTING

2. Binili ni Ina
Isasabit lang pala.
Sagot: HIKAW

3. Isang butil na dilaw
Kinalatan buong bahay.
Sagot: ILAW

4. Baong kinayuran
Lama’y kayamanan.
Sagot: ALKANSIYA

5. Bumubuka’y walang bibig
Ngumingiti nang tahimik.
Sagot: BULAKLAK

6. May ulo, walang tiyan,
May leeg walang baywang.
Sagot: BOTE

7. Pinilit na mabili
Saka ipinambigti.
Sagot: KURBATA

8. Korona ni Andoy
Sa ilalim nakalagay.
Sagot: DIKIN

9. Kabit-kabit na uling
Tingna’t bibitin-bitin.
Sagot: DUHAT

10. Isang malaking suman
Sandalan at himlayan.
Sagot: UNAN
Iba Pang Bugtong

MGA BUGTONG (Ikalimang Bahagi)
MGA BUGTONG (Ikaapat na Bahagi)
MGA BUGTONG (Ikatlong Bahagi)
MGA BUGTONG (Ikalawang Bahagi)
MGA BUGTONG (Unang Bahagi)
Mga Bugtong

Incoming search terms:mga bugtongbugtongbugtong at sagotmga bugtong na mahirap sagutinsample of bugtongbugtong …

Filipino »

[23 Aug 2008 | 9 Comments | ]

1. Mga kaloobang pinaghalu-halo
Na niluto sa init ng pagkakasundo.
Sagot: DINUGUAN

2. Ako’y may kaibigan
Kasama ko saanman
Mapatubig ay di nalulunod
Mapaapoy ay di nasusunog.
Sagot: ANINO

3. Di naman isda, di naman itik
Nakahuhuni kung ibig
Maging sa kati, maging sa tubig
Ang huni’y nakabubuwisit.
Sagot: PALAKA

4. Hugis puso, kulay ginto
Mabango kung amuyin
Masarap kung kanin.
Sagot: MANGGA

5. May puno walang sanga
May dahon, walang bunga.
Sagot: SANDOK

6. Ako’y nagtanim ng granada
Sa gitna ng laguwerta
Pito ang puno at pito ang bunga
Pitong pare ang nangunguha.
Sagot: MGA SAKRAMENTO

7. Walang itak, walang kampit
Gumagawa ng bahay na ipit.
Sagot: GAGAMBA

8. Lumalakad walang paa
Lumuluha walang mata.
Sagot: PLUMA

9. Dahong pinagbungahan
Bungang …

Filipino »

[23 Aug 2008 | 2 Comments | ]

1. Eto na si bayaw
Dala-dala’y ilaw.
Sagot: ALITAPTAP

2. Eto na si Kaka
May sunong na dampa.
Sagot: PAGONG

3. Duwag ako sa isa
Matapang ako sa dalawa.
Sagot: TULAY NA KAWAYAN

4. Tabla magkabila
Alulod ang gitna.
Sagot: DAHON NG SAGING

5. Dalawang bolang maitim
Malayo ang nararating.
Sagot: MATA

6. Nagtago si Pedro
Labas ang ulo.
Sagot: PAKO

7. Bahay ni Goring-goring
Butas-butas ang dingding.
Sagot: KULAMBO

8. Ang anak ay nakaupo na
Ang ina’y gumagapang pa.
Sagot: KALABASA

9. Alin sa mga ibon
Ang di makadapo sa kahoy?
Sagot: PUGO

10. Gintong binalot sa pilak
Pilak na binalot sa balat.
Sagot: ITLOG
Iba Pang Bugtong

MGA BUGTONG (Ikalimang Bahagi)
MGA BUGTONG (Ikaapat na Bahagi)
MGA BUGTONG (Ikatlong Bahagi)
MGA BUGTONG …

Filipino »

[23 Aug 2008 | No Comment | ]

1. Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis.
Sagot: ALIMANGO

2. Oo nga’t alimango
Nasa loob ang ulo.
Sagot: PAGONG

3. Oo nga’t pagong
Tubig ay iniinom.
Sagot: NIYOG

4. Oo nga’t niyog
Nasa loob ang bunot.
Sagot: MANGGA
5. Oo nga’t mangga
Kay daming mga mata.
Sagot: PINYA

6. Puno’y layu-layo
Dulo’y tagpu-tagpo.
Sagot: BAHAY

7. May binti walang hita,
May tuktok walang mukha.
Sagot: KABUTI

8. Malalim kung bawasan,
Mababaw kung dagdagan.
Sagot: TAPAYANG MAY TUBIG

9. Nakaluluto’y walang init,
Umaaso kahi’t malamig.
Sagot: YELO

10. Hindi tao, hindi ibon
Bumabalik kung itapon.
Sagot: YOYO
Iba Pang Bugtong

MGA BUGTONG (Ikalimang Bahagi)
MGA BUGTONG (Ikaapat na Bahagi)
MGA BUGTONG (Ikatlong Bahagi)
MGA BUGTONG (Ikalawang Bahagi)
MGA BUGTONG (Unang Bahagi)
Mga Bugtong

Incoming search terms:isda …

Filipino »

[23 Aug 2008 | 13 Comments | ]

1. Puno ay buku-buko,
Dahon ay abaniko,
Bunga ay parasko
Perdegones ang mga buto.
Sagot: PAPAYA

2. Hindi tao, hindi hayop,
May tainga’t may buhok.
Sagot: MAIS

3. Nagtanim ako ng dayap
Sa gitna ng dagat,
Marami ang nagsihanap
Iisa lamang ang nagkapalad.
Sagot: PAGLILIGAWAN

4. Ang dalawa’y tatlo na
Ang maitim ay puti na
Ang bakod ay lagas na.
Sagot: MATANDA

5. Pantas ka man at maalam,
Angkan ka ng mga paham
Turan mo kung ano.
Sagot: PLANTSA

6. Bahay ni Ligaya
Nalilibot ng mata.
Sagot: PINYA

7. Nagsaing si Hudas
Kinuha ang hugas
Itinapon ang bigas.
Sagot:GATA NG NIYOG

8. Maitim na parang uwak
Maputing parang busilak,
Walang paa’y nakalalakad
At sa hari’y nakikipag-usap.
Sagot: LIHAM

9. Bumuka’y walang bibig
Ngumingiti …

Filipino »

[14 Aug 2008 | 45 Comments | ]

1. Kung kelan pinatay, saka humaba ang buhay. – [ Kandila ]
2. Baboy ko sa pulo, balahibo’y pako  [ Langka ]
3. Ako’y may kaibigan, kasama ko kahit saan. [ Anino ]
4. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. [ ziper ]
5. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.   [ Gunting ]
6. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa. [ Kasoy ]
7. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. [ Sampayan ]
8. Dalawang batong itim, malayo ang nararating. [ mata ]
9. Sa isang kalabit, may buhay na kapalit. [ Baril ]
10.Isa ang pasukan, tatlo ang …

Related Posts with Thumbnails