Home » Archive

Articles tagged with: Tula

Panitikan »

[22 Jun 2009 | 2 Comments | ]

Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling bayan, Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw, May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang. Pagsinta’y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man. Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa, Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na, Matang manininging ay nangakangiti’t pupos ng ligaya. …

Panitikan »

[22 Jun 2009 | 2 Comments | ]

Huling Paalam ni Jose Rizal sa salin ni Jose Gatmaytan
Paalam na, sintang lupang tinubuan, Bayang masagana sa init ng araw, Edeng maligaya sa ami’y pumanaw At perlas ng dagat sa dakong Silangan. Inihahandog ko ng ganap na tuwa Sa iyo yaring buhay na lanta na’t aba; Naging dakila ma’y iaalay rin nga Kung dahil sa iyong …

Panitikan »

[22 Jun 2009 | 3 Comments | ]

Halimbawa ng Tula : Pinatutula Ako ni Jose Rizal
Iyong hinihiling, lira ay tugtugin bagaman sira na’t laon nang naumid ayaw nang tumipa ang nagtampong bagting pati aking Musa ay nagtago narin. malungkot na nota ang nasnaw na himig waring hinuhugot dusa at hinagpis at ang alingawngaw ay umaaliwiw sa sarili na ring puso at damdamin. kaya nga’t sa gitna niring aking hapis …

Panitikan »

[22 Jun 2009 | No Comment | ]

Awit Ng Manlalakbay ni Jose Rizal
Kagaya ng dahong nalanta, nalagas, Sinisiklut-siklot ng hanging marahas; Abang manlalakbay ay wala nang liyag, Layuin, kalulwa’t bayang matatawag.

Panitikan »

[22 Jun 2009 | One Comment | ]

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa tinub’ang lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala…
Walang mahalagang hindi inihandog Ng may pusong mahal sa Bayang kumupkop; Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod, Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot…

Panitikan »

[22 Feb 2009 | 6 Comments | ]

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Mga Tulang Pambata
Espadang Bali-bali
Espadang bali-bali
Nahulog sa pusali
Kunin mo sandali
Uupahan ng kahati
Lagari
Lagari!
Lagari!
Simbahan sa Paete
‘Pag hindi nayari
Magagalit ang pari
Sa batang bungi!

Penpen de sarapen
Penpen de sarapen
De kutsilyo
De almasen
Bawbaw de kalabaw
Batuten
Sipit namimilipit
Gintong pilak namumulaklak
Sa tabi ng dagat
Sayang pula, tatlong pera
Sayang puti, tatlong salapi

Filipino, Panitikan »

[8 Nov 2008 | 9 Comments | ]

I will soon post Tagalog Poems | Filipino Poems Tula on this site, but for the mean time, if you have any request or any topic that you want to discuss regarding the mentioned , I would be glad to make research for you.
Or if you have any Tagalog Poems | Filipino Poems Tula and you want it to be published here just send me a comments and I will contact You. Pambata.com is open to all contributors rest assured that I will put due credit to the person who …

Panitikan »

[22 Sep 2008 | 10 Comments | ]

Ang Tula ay isang halimbawa ng pagpapahayag ng damdamin kung saan ang mga liriko ay may pagkakatulad sa hulihan ng bawat talata.
Kilala ang mga Pilipino sa pagiging malikhain sa pag gawa ng tula. Marami tayong mga kilalang tao na kilala sa pag gawa ng tula , Tulad ni Francisco Balagtas at iba pang mga Bayani ng panitikang Pilipino. Si Rizal ay isa ring kilalang Tao na may akda ng iba’t ibang tula.
Susubukan po namin na maglagay ng iba’t ibang tula sa Pambata.com upang makatulong sa mga kabataang naghahanap ng mga …

Related Posts with Thumbnails