Free Ebook
Home » Panitikan

Talumpati para sa Kabataan

30 September 2008 28 Comments

Ang sumusunod ay isang halimbawa ng Talumpati para sa Kabataan

Sa Kabataan
Onofre Pagsanghan
- I -
Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang "nabansot." Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit ito’y tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng diwa.

image Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating paglaki ay kailangang paglaki at pag-unlad ng ating buong katauhan, hindi lamang ng ating sukat at timbang. Kung ga-poste man ang ating taas at ga-pison man ang ating bigat, ngunit kung ang pag-iisip naman nati’y ga-kulisap lamang, kay pangit na kabansutan. Kung tumangkad man tayong tangkad-kawayan, at bumilog man tayong bilog-tapayan, ngunit kung tayo nama’y tulad ni "Bondying" ay di mapagkatiwalaan-anong laking kakulangan. Kung magkakatawan tayong katawang "Tarzan" at mapatalas ang ating isipang sintalas ng kay Rizal, ngunit kung ang ating kalooban nama’y itim na duwende ng kasamaan-anong kapinsalaan para sa kinabukasan.

- II -

Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan. Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot tayong paputik. Tamang-tama ang sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang kamihasnan ay siyang pagkakatandaan. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-aaral ngayon at sa araw ng bukas ay bigla tayong magiging mga dalubhasang magpapaunlad sa bayan. Huwag nating akalaing makapagdaraya tayo ngayon sa ating mga pagsusulit, makakupit sa ating mga magulang at sa mahiwang araw ng bukas makakaya nating balikatin ang mabibigat na suliranin ng ating bansa. Huwag nating akalaing makapaglulublob tayo ngayon sa kalaswaan at kahalayan, at sa mahiwagang araw ng bukas bigla tayong magiging ulirang mga magulang.
Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis ng gawa.

source : http://wiki.answers.com

Mga Iba Pang Talumpati

Related Posts with Thumbnails

Incoming search terms:

28 Comments »

  • kyle said:

    may talumpati poh kyo para sa respeto at paggalang?

    [Reply]

  • kyle said:

    pwede poh b kyong makapaglagay ng talumpati pra sa respeto at paggalang?

    [Reply]

  • Dexter | Tech At Hand Dot Net said:

    @ Kyle,

    Baka po pwede ang talumpati ni Ramon Magsaysay http://www.pambata.com/talumpati-ni-ramon-magsaysay/

    [Reply]

  • kaycee said:

    maari poh bang humingi ng talumpati

    [Reply]

  • red said:

    can you gave me example of short drama script???now??

    [Reply]

  • kah said:

    wala na po bang iba?
    kasi po sa ibang site ganyan din yung halimbawang ibinigay.

    [Reply]

  • ace said:

    aus ba???

    [Reply]

  • jing-jing said:

    meron po ba kayong talumpati tungkol sa isang mag-aaral

    [Reply]

  • jing-jing said:

    @jing-jing,

    [Reply]

  • Dexter Panganiban said:

    @jing-jing,

    Wari ko poy wala pa kami nito

    [Reply]

  • mary said:

    hello poh..
    ala bang talumpati
    pra xa mga mgulang? ..

    godspeed!

    [Reply]

  • Peter said:

    pwede pong makahingi ng talumpati tungkol sa kursong Computer Science?

    tnx po…

    [Reply]

  • mhine.. said:

    @Dexter Panganiban, may talumpati po ba kau tungkol sa mga droga?.. and iba pa pong halimbawa para sa kabataan?.. hm.. thank you..

    [Reply]

  • angie said:

    I Like it!! may sinasabi./,,,,!!!

    TALAGANG PANGGISING SA NA22LOG NTING ISIPAN…

    BILANG KABATAAN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!……….

    [Reply]

  • cutie pie said:

    wla ba yungmakabago ang pangit eh

    [Reply]

  • basted said:

    ano ang kawayang may buhay?

    [Reply]

  • basted said:

    ewan sa taong may pakialam sa multo……………..

    [Reply]

  • lopaks619 said:

    salamat po sa talumpati niyo po?

    wew sana maka kuha ako ng mataas na marka sa talupmpati ko
    ty po

    ^__^

    [Reply]

  • chumz said:

    pano po ba magsimula ng isang magandang introduction sa pagtatalumpati,,,ung makakakuha ka ng atenstion…???

    [Reply]

  • che-che said:

    hehehe……….. wla ba kayong talumpati sa mga ANIMALS??

    [Reply]

  • dhet said:

    my talumpati po ba kau 2ngkol sa magulang?

    [Reply]

  • kenneth said:

    wala poh ba kayong talumpati para sa mga trabahador

    [Reply]

  • shirley said:

    wla bang talumpati pra sa akin,heheheheheheh

    [Reply]

  • shirley said:

    wlw bang talumpti par sa akin,hehehehhehehehhe

    [Reply]

  • MJ said:

    Cnu po nkakaalam ng reference nito?????

    [Reply]

  • madonna said:

    we would like to know that this work are being copied..please, we are asking for u to remove this speech,,we are so sorry for having a mistake..pardon us..

    [Reply]

    Dexter Panganiban Reply:

    @madonna,

    Sa inyo po ba itong piece of talumpati na ito.. ito po ay sinulat ni Onofre Pagsanghan kagay po ng nakasaad sa itaas.. Kung ito po ay inyo at gusto po ninyo matanggal sa site na ito.. please reply lang po dito and explain.. Tulong lang po sa mga jkabataan ito

    [Reply]

    leah Reply:

    @Dexter Panganiban,

    heluw po maganda po ang paggawa nang in’ung talumpati sana po marami pa kayo masulat..

    [Reply]

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.