Free Ebook
Home » Panitikan

Tulang Pambata : Ang Anghel sa Aming Bahay

7 October 2008 3 Comments

Isang Tulang Pambata : Ang Anghel sa Aming Bahay

 

Mapalad kami sapagkat sa aming buhay

Ay may nanay kaming walang sawang nag babantay

Naniniwala ka bang may anghel na nagbabantay

At sa buhay natin ay lagging gumagabay?

May totoong anghel sa aming bahay

Siya’y walang iba kundi ang aking nanay.

Ang nanay ko ay lagging abala

Sa kusina nagluluto siya

Maya-maya’y nagwawalis sa sala

Habang nakababad ang labada niya.

Hindi tumitigil sa buong maghapon

Kiskis dito, kiskis doon, linis ditto,linis doon

Pinapaputi ang nangingitim na banyo

Inaayos ang lahat ng mga kwarto.

Mga halaman ay kanya ring inaasikaso

Lahat ng tanim niya , dinidiligang husto

Linalagyan ng pataba ang mga ugat nito

Tinatanggalan rin ng kulisap ang damo.

Mga lumang damit ay kanyanang inililigpit

Upang ipamigay sa mga nagigipit

Tinahi niyang kurtina kanyang ikinakabit

Makukulay na larawan kanyang isinasabit

Ito ngang aking nanay pagtingin sa orasan

Naku! Ang pamilya niya’y malapit nang mag-uwian

Paghahanda ng meryanda ang pangkakaabalahan

Upang sa ‘ming pagdating gutom nami’y maibsan

Nakangiti siyang sasalubong sa pintuan

Na para bang wala siyang kapaguran

Isa-isa niya kaming yayakapin at hahalikan

Hmm . . . ang bango talaga n gaming nanay.

Sa gabi pagkatapos naming magdasal

Magkukuwento na siya tungkol sa kagandahang-asal

Habang kami’y hinahaplosnang buong pagmamahal

Makakatulog kami ng mahimbing at matagal.

Magaspang na ang kamy ni nanay

Buhok niya’y pumuputi na rin ang kulay

Subalit tanggap niya ang lahat ng bagay

Wala siyang reklamo sa mga Gawain niya sa bahay

Kaya naman sa aming munting paraan

Pinipilit naming siyang matulungan

Magligpitman lang n gaming tinulugan

Makatutulong upang trabaho niya’y mabawasan

Napakapalad naming magkaroon ng nanay

Na nagpapaganda sa aming buhay

Nagtutulungan sila ng aming tatay

Upang kami’y maging Masaya , malusog , at matagumpay.

Related Posts with Thumbnails

Incoming search terms:

3 Comments »

  • MrShadoW24 said:

    wow,.,.wat a nice poem,,. dis s d best poem dat a mom cud hear from her child,.

    [Reply]

  • johnace said:

    hi sa lhat txt2 tyo

    [Reply]

  • johnace said:

    maganda lahat ng poem para sa kabataan para tumalino

    [Reply]

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.